Top 5 drug pusher ng Masambong, patay sa engkwentro

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2016 10:50 AM

Watch also in iWantTFC

Napatay ang isa sa top 5 na hinihinalang tulak ng droga sa Masambong, Quezon City matapos umanong manlaban sa mga pulis, Lunes.

Sinasabing naaktuhan ng mga pulis ang suspek habang nagtatapon ng droga sa inidoro sa loob ng kanyang bahay.

Itinanggi naman ng misis ng suspek na nanlaban ito sa mga pulis. Tumakbo lang anya ito palabas ng bintana dahil sa takot nang makita ang mga awtoridad.

Alamin ang iba pang detalye ng madugong operasyon sa ulat na ito ni April Rafales ng ABS-CBN News.

- Umagang Kay Ganda, 19 Hulyo 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.