SAPUL SA CCTV: Babae nagnakaw ng 5 pantalon sa department store

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2018 10:32 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Arestado ang isang ginang dahil sa umano’y pagnanakaw ng pantalon sa department store sa San Fernando, La Union.

Ayon sa ginang, napagbintangan lamang siya na nagnakaw ng pantalon sa department store.

"Wala naman akong ginalaw na ninakawan dito.'Yun lang. Hinabol na nila ako kasi tumakbo ako," ani Carmelota Signi.

Pero sa kabila ng paulit-ulit na pagtanggi, malinaw ang kuha sa CCTV kung saan nakita ang pagtupi n'ya sa 5 pantalon sabay ipit ng mga ito sa ilalim ng kanyang palda.

Napansin ito agad ng isa sa mga saleslady sa monitor ng CCTV kaya nahabol ang suspek.

"Sana maghanap na lang [sila] ng disenteng work, hindi 'yung kumukuha na lang nga. Ano kase, pinaghihirapan din ng may-ari 'yan or pinaghihirapan din namin na magbantay para sumahod," banggit ng store manager na si Sharmaine Agdaca.

Ayon sa pulisya, nasa 50 porsyento ng kaso ng pagnanakaw sa San Fernando ang nasosolusyunan nila sa tulong ng CCTV.

ABS-CBN Umagang Kay Ganda, July 17, 2018