Takal ng kanin sa ilang karinderya, babawasan

Larize Lee, ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2022 11:41 AM | Updated as of Jul 15 2022 07:41 PM

Watch more News on iWantTFC

MANILA -- Nagtaas na ng P3 kada kilo ang bigas sa ilang palengke, pero ayon sa mga karinderya sa Maynila, mananatiling P15 ang isang order ng kanin sa kanila sa takot na mawalan sila ng customer. 

'Yun nga lang, babawasan na nila ang kanilang mga takal. 

"'Pag tinaas pa namin wala nang kakain. 'Pag lalong tinaas pa namin wala nang papasok, malulugi na kami...magbabawas kami nang konti. Konti lang naman," ayon kay Raquel Jimenez. 

"Actually Ma'am di pa kami nagtataas kasi sabi amo ko meron pa rin kahit papaano na kinikita...sabi niya bawasan na lang ng konti sa pagtatakal," ayon naman sa tinderang si Anne Millaman. 

Ilan naman sa mga kostumer ang nagsabing hindi na muna sila kakain extra rice kung sakaling magtaas ng presyo ng kanin ang mga karinderya. 

Ayon sa kanila, lilimitahan na lamang nila sa isang takal ng kanin ang kanilang kakainin upang makatipid. 

Naglalaro naman sa P38 hanggang P40 ang kada kilo ng regular milled na bigas sa pamilihan, P42 sa well milled, habang P46 hanggang P50 naman sa premium o special na bigas. 

 Related Video 

Watch more News on iWantTFC