PatrolPH

Umabot na sa mahigit 1-M COVID vaccine jabs ang naiturok sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2021 06:43 AM

Watch more on iWantTFC

Nasa mahigit 1 million na vaccine doses na ang nai-administer o naiturok ng Quezon City.

Sa ngayon, mahigit 686,000 na ang nabakunahan ng first dose, habang 327,000 naman ang naibakuna sa second dose.

Nasa 40% pa lang ito ng 1.7 million na target na populasyon mabakunahan para sa herd immunity.

Pero ikinokonsidera na rin itong tagumpay dahil Quezon City ang pinaka-malaking syudad sa Metro Manila na may pinaka-malaking populasyon. 

Pinakamataas na record nito noong June 23 kung saan naitala ang 45,000 na vaccine doses na naiturok.

Depende sa supply ng bakuna, kayang magbukas ng Quezon City ng 50 vaccination sites.

Matatandaang nagkaroon din ng hamon dito, lalo na sa vaccine registration dahil tinerminate na ng QC ang eZConsult platform nito.

Di na raw ramdam ngayon ang vaccine hesitancy sa QC. Sa halip vaccine envy na ang nararamdaman ng mga tao, o inggit sa mga taong nabakunahan na.

Nakiusap naman ang lokal na pamahalaang hintayin lang ang pagkakataon nilang mabakunahan. 

At sa mga nabakunahan na, pakiusap naman na sumunod pa rin sa health protocols.

Mababa na rin ang bilang ng positibo sa COVID-19 cases sa ngayon.

Nasa 1,300 na lamang ang active COVID-19 cases sa lungsod. — Jervis Manahan, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.