2 hinihinalang tulak ng droga, patay matapos manlaban sa pulis

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2016 02:05 PM

Watch also in iWantTFC

MANILA - Dalawang hinihinalang mga tulak ng droga ang napatay sa buy-bust operation matapos umanong manlaban sa mga pulis sa Antipolo City.

Miyerkules ng gabi huling nakitang buhay ang dalawang lalaki na nakilala sa mga alyas na Bong at Dennis Palaka.

Sa listahan ng pulisya, notoryus ang dalawa bilang mga drug pusher at holdaper na nag-o-operate sa Antipolo at Quezon City.

Napatay sila matapos makaharap ang mga pulis ng Antipolo sa drug buy-bust operation sa Barangay Sta. Cruz.

Nanlaban umano ang mga suspek sa mga pulis kaya nauwi sa madugong engkwentro. Pero dalawa sa mga kasama nila ay nakatakas gamit ang taxi bilang getaway vehicle.

Ayon sa mga pulis, matagal na nilang minamanmanan ang mga suspek pero mailap ang mga ito at hindi basta-basta nakikipag-transaksyon.

Nang matuloy ang operasyon, naging maingat ang pulisya. Yun nga lang, lumaban umano ang mga suspek.

Mula noong Hulyo a-1, humigit kumulang 500 katao na ang sumusuko na mga pusher at user sa Antipolo City.

-- Umagang Kay Ganda, 14 July 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.