PatrolPH

P9.5M halaga ng ecstasy nasabat sa QC; 2 babae tiklo

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2021 08:42 AM

Watch more News on iWantTFC

Arestado ang 2 babaeng nag-claim ng package mula Germany na naglalaman pala ng party drugs.

Higit 5,000 tableta ng party drugs na ecstasy ang kumpiskado sa Quezon City Central Post Office.

Dumating ang package na klinaim ng 2 babae na mga residente ng Quezon City at lungsod ng Bacoor, Cavite.

Isang foot massager ang laman ng package, pero nakapaloob na pala rito ang pake-pakete ng ecstasy.

Sa imbestigasyon, galing Germany ang naturang package at idineklara bilang laruang pambata. 

Sa pagtutulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency NCR at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, ikinasa ang operasyon para lumutang ang kukuha ng padala. 

Abot sa P9.5 milyong halaga ang nasabat na ecstasy.

Kakasuhan ang dalawang inaresto ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. — Lady Vicencio ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.