PatrolPH

Mga OFW na magkaka-COVID sa Macau, may $200 cash aid

ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2022 11:54 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Makakatanggap ng $200 na pinansiyal na tulong mula OWWA ang mga OFW na magpopositibo sa COVID-19 sa Macau, ayon sa isang opisyal.

Ayon kay Department of Migrant Workers Sec. Susan "Toots" Ople, 76 na OFW na ang nagpositibo sa COVID-19 sa Macau. 

Aniya, magkakaroon ng repatriation assistance ang mga OFW na nais umuwi ng Pilipinas.

Pero wala pang sariling budget umano ang DMW. 

Umiiral ngayon ang isang linggong partial lockdown sa Macau para mapigilan ang pagdami ng COVID-19 cases. 

Damay sa mga natigil sa trabaho ang mga overseas Filipino worker. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.