Home > News TINGNAN: Plaza Miranda sa labas ng Quiapo Church mas maluwag na ABS-CBN News Posted at Jul 12 2019 08:18 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Watch also in iWantTFC MANILA - Kadalasan kapag Biyernes ng umaga, masikip ang Plaza Miranda dahil sa dami ng mga deboto ng Nazareno na dumadayo rito sa Minor Basilica of the Black Nazarene. Pero ngayon, maluwag pa rin ang Quiapo kahit na marami na ang tao matapos tanggalin ang karamihan sa mga illegal vendor sa paligid ng simbahan. Sa Plaza Miranda, bagaman ipinagbabawal na ang pagtitinda rito, may mga mangilan-ngilan pang naiwang mga nagbebenta ng mga maliliit na rebulto ng Nazareno at ng mga Sto Niño. Nakapuwesto ang mga ito sa pinakagilid ng plaza. Meron ding mga nagtitinda ng mga sampaguita na paminsan-minsan ay gumigitna sa plaza. Kung madalas ay traffic at mabagal ang takbo ng mga sasakyan sa Quezon Boulevard kapag Biyernes ng umaga, ngayon ay maluwag at mabilis nang nakakadaan ang mga motorista. Mayroon na lang ilang mga tsuper ng pampublikong jeep na kahit may nakapaskil na "no loading and unloading zone" ay doon pa rin nagbababa ng mga pasahero. Share Facebook Share on Twitter LinkedIn quiapo, church of the black nazarene, street vendors, black nazarene, Read More: quiapo church of the black nazarene street vendors black nazarene