PatrolPH

Lalaki nagpaputok ng baril dahil sa away sa parking

Jeff Caparas, ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2022 07:11 AM

Watch more on iWantTFC

Dahil lang umano may nakaharang sa kanilang sasakyan at hindi sila makalabas, nagpaputok ng baril ang 47 anyos na lalaki sa isang restobar sa Timog madaling araw ng Linggo 

Pero dahil may mga rumorondang pulis na naninita sa mga lumalabag sa health protocol sa mga restobar na malapit sa lugar, agad na narespondehan ang insidente at agad ding naaresto ang lalaki.

Kasama rin naaresto ang 25 anyos niyang anak

“So considering the quick response of our PNP member itong Kamuning Police Station personnel, naharang natin paalis na itong ah sinasakyang Adventure nitong mag ama kung saan immediately naharang ng ating pulis,” ani P/Lt Colonel Elizabeth Jasmin, Station Commander ng QCPD Station 10.

Matapos ang pagpapaputok ng baril, nagkagulo sa lugar at ginulpi ng taumbayan ang mas batang suspek.

Sinubukan pa ngang itago ng suspek ang baril, pero nadiskubre rin ito ng mga pulis sa hood ng kanilang sasakyan.

Ang mga tao sa lugar na nandoon nang mangyari ang insidente, natakot dahil sa sunud sunod umano ang pagpapaputok ng baril ang suspek.

“Kinabahan tapos umalis na ako,” ani Dickson Manansala, isang rider

Ang mas batang suspek aminado na sa kanya ang baril, pero ayon sa kanya accidental firing ang nangyari, pinaglalaruan umano nila ang kalibre 38 baril kaya biglang pumutok.

Kinumpiska ng PNP ang baril at ang SUV ng mga suspek na naka impound sa Kamuning Police Station.

“Wala po naman kaming napinsalang tao, Nadala lang po ng alak. Wala naman pong nasaktan o ano, sana lang po mabigyan lang po ng bail. Mabigyan lang po kami ng bail,” ayon sa 25 anyos na suspek.

“Walang papel yung kanilang baril. Yung ama illegal possession of firearms sa kanilang dalawang sinampahan natin sila ng alarm and scandal,” dagdag ni /Lt Colonel Elizabeth Jasmin, Station Commander PS10 QCPD.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.