7 hinihinalang miyembro ng Maute clan, hinarang sa NAIA

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2017 01:30 AM | Updated as of Jul 11 2017 03:07 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Apat sa pitong pinaghihinalaang miyembro ng Maute clan na hinarang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang beneripika ang pagkakakilanlan dahil kapangalan nila ang ilan sa mga nasa arrest order ng Department of National Defense (DND).

Ayon kay Atty. Antonette Mangrobang, tagapagsalita ng Bureau of Immigration, kailangang masiguro kung sila nga ang tinutukoy sa arrest order na may kinalaman sa kaguluhan sa Marawi.

Dinala ang tatlo sa kanila sa Camp Crame habang sa National Bureau of Investigation naman ang isa.

Nauna namang pinakawalan ang tatlo nilang kasama dahil walang nakitang record laban sa kanila.

Biyaheng Kuala Lumpur, Malaysia sana ang pito nang pigilan silang makaalis ng immigration officials. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.