Habagat nagpapaulan sa Luzon, Visayas: PAGASA

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2016 11:05 AM

Watch also in iWantTFC

Patuloy na mararamdaman ang epekto ng habagat sa Luzon at Visayas Linggo, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Sa abiso ng ahensya, apektado ng mga pag-ulan ang mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Cavite, Pangasinan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija at Bulacan.

Makararanas naman ng paminsan-minsang pag-ulan ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

Maulap na papawiring may katamtamang pag-ulan o thunderstorm ang iiral sa Kanlurang Visayas.

Inaasahan sa nalalabing bahagi ng bansa ang bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan o thunderstorm.

Magiging katamtaman hanggang maalon ang mga baybayin sa Luzon at Visayas.

ABS-CBN News, 10 Hulyo 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.