PatrolPH

4 tiklo sa Marikina, Mandaluyong dahil umano sa ilegal na droga

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2021 06:37 AM

Watch more on iWantTFC

Dalawang magkahiwalay na buy-bust operation ang ikinasa ng Marikina City Police na nagresulta sa pagkakahuli ng 3 drug suspect.

Unang inaresto si alyas Maczen na nakuhanan ng nasa P34,000 na halaga ng hinihinalang shabu. 

Sa Barangay Tumana, timbog naman ang 2 hinihinalang tulak ng droga na sina alyas Kulot at alyas Bert. Higit P47,000 na halaga ng hinihinalang shabu ang kumpiskado sa dalawa. 

Sa Mandaluyong, sinita ng mga pulis ang 30 anyos na lalaki sa Barangay Addition Hills dahil lang sana sa paglabag sa curfew. 

Palakad-lakad pa kasi siya sa kalsada kahit pasado ala-1 na ng madaling araw, pero napansin ng mga pulis na balisa ang lalaki nang hanapan ng ID.

Naaktuhan pa siyang nagtapon ng isang pakete ng hinihinalang shabu.

Bukod sa paglabag sa ordinansa sa curfew, haharapin niya ang kasong possession of dangerous drugs. — Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.