Ombudsman, iimbestigahan ang 5 opisyal ng PNP

ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2016 03:36 AM

Watch also in iWantTFC

Planong imbestigahan ng Ombudsman ang limang opisyal ng PNP na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na protektor umano ng drug syndicates. Lumalabas naman sa mga intelligence report na matagal nang tukoy ang mga malalaking drug lords na binanggit ng pangulo, pero nakakapag-operate pa rin at lumaki pa ang kanilang sindikato. Bandila, July 08, 2016, Biyernes