Home > News Public consultation hiling ng transport group sa bagong DOTr chief ABS-CBN News Posted at Jul 07 2022 05:32 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA — Humihiling ang Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas na magkaroon sila ng public consultation kasama ang bagong pamunuan ng Department of Transportation ukol sa mga problema sa pampublikong transportasyon. Ayon kay LTOP president Orlando Marquez Sr., hindi umano sila nakokonsulta sa mga polisiya noon kaya maraming problema. "Kung ano ang gusto nila noon ay 'yung na lang ho, na walang public consultation. Kaya nagkakaroon ng maraming problema dahil hindi dinadaan sa tamang konsultasyon," aniya sa panayam sa TeleRadyo Huwebes. Ex-PAL president Jaime Bautista is Marcos' pick as next Transportation Secretary Nakikiusap ang LTOP kay bagong Transportation Secretary Jaime Bautista na makonsulta sila. Ito ay sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, na nagtutulak sa madaming tsuper na iwan na ang pamamasada. "Umaasa kami na sana ay pakinggan 'yung aming mga suggestion dahil deka-dekadang panahon na kami sa kalsada, alam na namin ang problema," dagdag ni Marquez. 'Status unacceptable': New DOTr chief targets land transport fixes Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, DOTr, tagalog news Read More: TeleRadyo Kabayan Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas LTOP Orlando Marquez Sr transport group public consultation public transport transportation transit Department of Transportation DOTr Jaime Bautista