PatrolPH

P6.8 milyong halaga ng umano’y shabu nasabat sa Makati; 3 tiklo

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2022 07:26 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Hindi na nakapalag ang tatlong suspek matapos sila mahulihan umano ng isang kilo ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Makati City nitong Miyerkoles ng gabi.

Sa imbestigasyon ng Makati PNP, taga-lungsod ng Imus, Cavite ang mga inaresto at dumadayo pa ng Makati para sa kanilang ilegal na operasyon.

Mag-aalas-11 ng gabi nang arestuhin ng mga awtoridad ang mga suspek sa Brgy. West Rembo.

Nasabat ang umanong ilegal na droga na nakabalot sa isang foil na kulay berde at silver at tinatayang nagkakahalaga ng higit P6.8 million.

Narekober din mula sa mga suspek ang buy-bust money at ang isang sport utility vehicle na gamit nila sa pagtutulak umano ng ilegal na droga. - Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.