PatrolPH

Mga taga-San Juan tuloy-tuloy nagpaparehistro sa Comelec

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2022 09:01 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Sa ngayon, nasa 100 lang kada-araw ang average ng mga nagpaparehistro sa Comelec sa San Juan City.

Nais kasi ng Comelec na maiwasan na ang mga dating eksena tuwing huling linggo o araw ng registration na siksikan na ang mga magpaparehistro lalo’t may banta pa rin ang COVID-19.

Sa mga magpaparehistro, para mabilis ang proseso, pwede nang mag-download at mag-fill out ng registration na makukuha sa Comelec website.

Kung meron na nito, halos 5 minuto lang matatapos na ang registration. Pinakamatagal na umano ang 10 minuto.

Sa mga magpaparehistro magdala lang ng kahit anong valid ID na may kumpletong address ng tinitirhang barangay, ballpen, alcohol at face mask.

Para iwas-siksikan, naglagay na rin ng tent sa labas ng Comelec office para sa mga magfi-fill out ng form.

Samantala, magsasagawa rin ng satellite registration. Sa mga nais mag-avail nito, abangan na lang umano ang post sa FB page ng Comelec Central Office.

Ang ilan sa mga maagang nagparehistro, ayaw nang makipagsisikan kaya sinamantala ang pagkakataong kaunti pa ang nagpaparehistro. Importante raw sa kanila ang makaboto, lalo’t barangay elections ito.

Hanggang sa July 23 na lang ang registration, ayon sa Comelec, kaya mas maigi na ang maagang makapagparehistro. 

Bukas sila kahit Sabado hanggang alas singko ng hapon. - Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.