Home > News Ilang barangay sa Mogpog, Marinduque nalubog sa baha ABS-CBN News Posted at Jul 07 2022 07:25 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA – Nalubog sa baha ang ilang barangay sa bayan ng Mogpog, Marinduque, Miyerkoles ng gabi dahil sa malakas na buhos ng ulan. Sa mga larawang ipinadala sa ABS-CBN News ni Hazel Pereda, makikitang binaha na ang kanilang bahay sa Sitio Cabyang, Brgy. Butansapa. Natakot umano sila kaya humingi na sila ng tulong dahil mabilis ang pagtaas ng tubig. Mula alas-7 ng gabi umano nang magsimulang bumaha kaya agad nilang itinaas ang kanilang mga gamit. May mga kasama pa umanong putik at mga puno ng kawayan na galing bundok ang baha. Baha sa ilang lugar sa Malabon nagsimula nang humupa Sa mga larawan naman mula kay Khim Hirondo, makikita ang malakas na kulay-putik na baha sa Brgy. Bintakay. Ayon kay Rizalie Lim, head ng Mogpog MDRMMO, ilang oras tumagal ang ulan na kanilang naranasan kaya lumaki ang tubig sa Mogpog River. Kabilang sa mga binahang lugar ay Poblacion, Bintakay at Butansapa. Nagkaroon din ng landslide sa Brgy. Malusak kaya agad nagsagawa ng clearing operations ang mga awtoridad para maalis ang poste, puno ng niyog, at lupa na humarang sa highway. Wala namang inilikas at humupa na rin ang baha matapos huminto ang ulan. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: Mogpog Marinduque baha ulan