Skyway Stage 3, magsisimulang maningil ng toll simula Lunes

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2021 10:22 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Abiso sa mga motorista na dumadaan sa Skyway Stage 3 dahil simula sa Lunes, 12:01 ng hatinggabi ay magsisimula nang maningil ng toll dito.

Ito ay matapos ang mahigit na kalahating taon na libreng pagdaan ng mga motorista sa 18-kilometro na Skyway Stage 3.

Ayon sa tagapagsalita ng Toll Regulatory Board na si Julius Corpuz, sinabi niyang P264 ang sisisingil kung end-to-end ang biyahe o kung mula NLEX hanggang sa Buendia; P129 naman kung mula NLEX at bababa sa may Quezon Avenue.

Ikinalungkot naman ng ilang motorista na magtatapos na ang libreng pagdaan sa Skyway pero sabi nila patas lang naman na maningil na ng toll dahil malaki na ang naging pakinabang nila dahil sa naging libre ito simula pa noong mag soft opening noong Disyembre.

Dadaan pa rin sila dahil di hamak na mabilis ang biyahe lalo na kung papunta ng mga lungsod ng Makati at Pasay.

- TeleRadyo 7 Hulyo 2021