Home > News Higit P1-M halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Parañaque ABS-CBN News Posted at Jul 07 2021 06:59 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC Timbog ang isang 47-anyos na babae at 30-anyos na lalaki sa buy-bust operation ng pulisya sa Barangay San Isidro, Parañaque City, Martes ng hapon. Kinilalang negosyante ang target na si alyas Myrna na inaresto sa kaniyang bahay sa San Antonio Valley 6. Kasama rin sa transaksyon ang person with disability na si alyas Marjun na, ayon sa pulis, ay nagsisilbi umanong runner ni Myrna. Higit P1.2-M na droga, nasabat sa Taguig; 2 arestado 47-anyos na negosyante at runner umano niya na PWD, kapwa arestado sa buy-bust sa Parañaque City. Mahigit P1-milyong halaga ng hinihinalang shabu nasabat 📸:Ronald Banila pic.twitter.com/x6nphdoT40 — Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) July 6, 2021 P7-M worth of suspected shabu seized in Cebu City Nasabat mula sa kanila ang 4 na sachet na may nasa 200 gramo o higit P1.3-milyong halaga ng hinihinalang shabu. Ayon kay Parañaque Police chief Col. Maximo Sebastian Jr., isang linggo nilang minanmanan ang suspek matapos makakuha ng tip sa kanilang hotline. Sabi ni Myrna, alam niyang ilegal ang kanilang ginawa, pero napilitan lang siyang pasukin ito kamakailan. Magsasagawa ang pulisya ng mga follow-up operation sa source ng binentang shabu. Ayon kay Sebastian, posibleng bahagi ng mas malaking drug group ang 2 suspek na nahaharapan ngayon sa mga kasong drug selling and possession. — Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber shabu, ilegal na droga, droga, drug suspek, PWD, person with disability, Tagalog news, Teleradyo, Sakto Read More: shabu ilegal na droga droga drug suspek PWD person with disability Tagalog news Teleradyo Sakto