PatrolPH

PANOORIN: Epekto ng lindol sa Kananga

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2017 10:42 AM | Updated as of Jul 07 2017 11:34 AM

Watch more on iWantTFC

Ipinakita ng ABS-CBN News ang sitwasyon sa Kananga matapos na maganap ang isang malakas na lindol sa Leyte kahapon.

Partikular na tumutok ang newsteam sa tatlong palapag na gusali na nag-collapse bunsod ng lindol.

Naipit dito ang ilang mga sasakyan at ipinalalagay din na wala namang naiwang tao sa loob ng gusali na isa umanong pension house na may mini mart sa ilalim.

Hindi muna pinayagan ng awtoridad ang mga tao na makalapit sa gumuhong gusali dahil sa panganib na baka tuluyang bumigay ito sakaling may maganap na malakas na aftershock. Ulat ni Jorge Carino, DZMM

Failon Ngayon, 7 July 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.