Labi ng palaboy na nag-viral sa social media, naiuwi na sa probinsya

ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2022 05:49 PM

Watch more News on iWantTFC

Nauwi na sa kanyang probinsya ang labi ni Melanie Dubos, ang palaboy na nag-viral sa social media noong Abril matapos yakapin ang isang ABS-CBN News reporter.

Ayon sa 6th Infantry Division ng Philippine Army, nahirapan ang pamilya ni Dubos na iuwi ang kanyang labi dahil sa pinansyal na kagipitan.

Sa tulong ng Philippine Air Force, naihatid ang labi sakay ng PAF aircraft C295 mula sa Metro Manila patungong Cotabato airport nitong Martes ng hapon.

Labi ng palaboy sa viral ‘free hug’ video, naiuwi na 1
Labi ng palaboy sa viral ‘free hug’ video, naiuwi na 2
Labi ng palaboy sa viral ‘free hug’ video, naiuwi na 3
Labi ng palaboy sa viral ‘free hug’ video, naiuwi na 4

Iniuwi sa kaniyang lalawigan ang pumanaw na si Melanie Dubos. Larawan mula sa 6th Infantry Division

Inihatid din ng Tactical Operations Group ang labi ni Dubos sa bayan ng Lutayan sa Sultan Kudarat kung saan nakatira ang pamilya't mga kamag-anak nito.

Matatandaang nilapitan at niyakap ni Dubos ang ABS-CBN reporter na si Larize Lee sa gitna ng live report nito. Naging tulay ito para makasama muli ni Dubos ang kaniyang pamilya na matagal na pala siyang hinahanap. 

— Ulat ni Hernel Tocmo