Libreng sakay ng LRT-2 station sa Antipolo

ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2021 09:22 AM | Updated as of Jul 06 2021 10:40 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Dumarami na ang mga pasahero sa bagong bukas na LRT-2 station sa Antipolo.

Tuloy-tuloy naman ang pasok ng mga pasahero hindi tulad nitong Lunes na nagsagawa ng crowd control dahil sa dami ng mga taong dumating.

Binuksan na sa publiko ang operasyon ng extension ng LRT-2 matapos ang ilang pagkaantala.

Libre ang sakay mula dito hanggang sa Santolan pero kailangan nang magbayad mula Santolan papunta sa ibang mga estasyon ng LRT hanggang sa Recto.

Hindi pa intergrated ang tren kaya pagsakay ng mga pasahero mula sa Antipolo Station, kailangan pa nilang bumaba sa Santolan Station at sumakay ulit sa ibang tren.

Isang tren pa lang ang nagsa-shuttle ng mga pasahero mula Antipolo papuntang Marikina at Santolan.

Ayon kay LRT spokesperson Atty. Hernan Cabrera, target nilang ma-integrate ang tren sa loob ng dalawang linggo.

Sabi ng mga pasahero, malaking tulong ang bagong estasyon lalo na sa mga taga Antipolo at bumibiyahe papuntang Quezon City at Maynila.

Sa datos na ibinigay ng LRT-2, nasa 600 pasahero ang nakinabang sa free ride nila sa unang araw ng operasyon ng tren sa publiko.

Umaasa sila na magiging maayos ang operasyon hanggang sa mga susunod na mga buwan 

- TeleRadyo 6 Hulyo 2021