PatrolPH

3 patay matapos sumalpok ang motorsiklo sa bus sa San Jose del Monte

ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2021 06:57 AM

Watch more on iWantTFC

Patay ang 3 magkaka-angkas sa motorsiklo matapos sumalpok sa isang bus sa lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan. 

Dalawa sa mga namatay na biktima ay mga menor de edad pa.

Lasing ang mga biktima na sumakay sa motorsiklo at mabilis na tumakbo sa Barangay Bagong Buhay 2.

Sumalpok sila sa isang pampasaherong bus na byaheng Sapang Palay.

May edad na 17 anyos ang lalaking nagmamaneho ng motorsiklo, habang 14 anyos ang babaeng angkas sa gitna. 

Patay rin ang 28 anyos na angkas sa likod na si Edward Tan.

Ayon sa ina ng babaeng biktima, uminom ang kanyang anak, at nagpaalam na lalabas. Sinundo siya ng mga kaibigan at saka umalis bago mag alas-11 ng gabi.

Nagulat na lang sya nang ibalita sa kanya na na-aksidente sila at namatay. Sinugod pa sa ospital ang isang biktima pero dead on arrival din.

Ayon sa kapitana ng barangay, madalas may nagkakarera ng motorsiklo sa kanilang lugar.

Sinubukan pa ng bus driver na umiwas sa kanila, pero sumalpok pa rin sila. Malakas ang impact ng aksidente kaya dead on the spot ang dalawa.

Hawak ng pulisya ang driver ng bus para sa imbestigaston. — Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.