Vice mayor ng Ilocos Norte sugatan sa pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2016 11:23 AM

Watch also in iWantTFC

Sugatan ang dating mayor at ngayo'y bise alkalde ng Adams, Ilocos Norte makaraang mabaril Martes ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon, pumunta sa bahay ni Vice Mayor Eric Bawingan ang suspek na si Jun Valencia at pinagbabaril ito.

Nakaganti si Bawingan at nabaril si Valencia gamit ang kalibre 9mm na baril, dahilan para masawi ang suspek.

Naitakbo naman sa ospital ang bise alkalde.

Si Valencia ang pangunahing suspek sa pagpatay sa municipal treasurer sa bayan ng Adams noong 2010.

- DZMM TeleRadyo, 6 Hulyo 2016