Mga taga-Tondo inireklamo ang drainage project

ABS-CBN News

Posted at Jul 05 2016 05:26 PM

Watch also in iWantTFC

Nanawagan ang ilang residente sa Tondo, Manila sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na madaliin na ang kanilang drainage project sa Yuseco at Raja streets.

Halos hindi na anila madaanan ng mga motorista ang mga nasabing kalye mula Juan Luna hanggang Jose Abad Santos Avenue dahil sa nakabinbing proyekto.

Ayon sa mga residente, taong 2015 sinimulang hukayin ng Aleway Construction ang mga drainage.

Sumabay pa sa proyekto ng DPWH ang pagpapalit ng Maynilad ng malaking tubo sa lugar na sinimulan noong nakaraang Enero.

Posibleng tumagal pa hanggang Disyembre ang pagpapalit ng tubo dahil naaabala umani ito ng drainage project ng DPWH.

- DZMM, 5 Hulyo 2016