TINGNAN: Mga drug user sa Cavite ilalagay sa hawla

ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2016 03:58 PM

Watch also in iWantTFC

Kung sa Tanauan, Batangas ay may "Walk of Shame" at "Flores de Pusher", ikinakasa naman sa Rosario, Cavite ang pagpapatupad ng "Cage of Change" o hawla ng pagbabago para sa mga drug user.

Pansamantalang ilalagay sa kulungan ang mga susukong drug user na masyado nang bayolente.

Kinakailangan lang pumirma ng mga kaanak sa isang waiver na nagsasaad ng kanilang pagpayag na ipiit sa hawla ang kanilang mahal sa buhay.

- Umagang Kay Ganda, 4 Hulyo 2016