Marytown compound sa QC, isinailalim sa special concern lockdown; 200 apektado

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2020 09:14 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Higit 200 residente ng Marytown-Sapa area sa Lungsod Quezon ang hindi muna pinapayagan lumabas sa kani-kanilang bahay bunsod ng pagpapatupad ng special concern lockdown sa kanilang lugar simula kahapon.

Ito’y matapos makapagtala ng 14 na kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar.

Nakapuwesto na dito ang mga tauhan ng PNP at mga barangay officials.

Noong nakaraang linggo pa naumpisahan ang swab testing sa mga residente kaya minabuting ilockdown na muna ang lugar habang hindi pa bumabalik ang resulta ng swab test ng iba pang residente.

Magkakadikit ang mga bahay dito sa maliit na compound. Isa lang din ang pasukan at labasan sa lugar, na siyang sinarado ngayon ng mga taga-brgy.

Namigay naman ng mga relief goods kahapon para sa mga apektadong residente.

Puwede lumabas ang mga may medical emergencies.

Sa mga nais namang bumili ng pagkain, maaari silang humingi ng assistance sa barangay tanod o volunteers.

Magtatagal ang lockdown sa lugar hanggang July 13.

ABS-CBN TeleRadyo, July 1, 2020