Dating mangingisda arestado sa buy-bust operation sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2020 07:37 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Arestado ang isang 40-anyos na dating mangingisda sa isang buy-bust operation sa isang tulay sa Caloocan Martes ng gabi.

Nakuha kay alyas "Edmund" ang 12 sachet ng shabu na may halagang aabot sa mahigit P400,000 sa naturang operasyon sa ilalim ng C3 bridge.

Ayon sa suspek, inutusan lang siya ibenta ang mga pakete ng shabu. Napilitan lang din umano siya dahil sa hirap ng buhay dahil nawalan kasi siya ng trabaho noong Marso.

Iniimbestigahan pa kung may ibang kasama si Edmund sa kanyang gawain.--Ulat nina Lyza Aquino at Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.