PatrolPH

Mga komyuter nauunawaan ang dagdag-pasahe sa jeep: grupo

ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2022 08:52 AM

Watch more News on iWantTFC

MANILA – Nagpapasalamat ang isang grupo ng mga komyuter sa pamahalaan sa P2 na dagdag-pasahe sa mga jeepney sa bansa.

Simula Hulyo 1, nasa P11 na ang minimum na pamasahe sa Metro Manila, Region3, at Region 4. 

Ayon kay Elvira Medina ng National Center for Commuter Safety and Protection, akala nila ay magiging P12 ang pinakamurang pamasahe sa jeep.

“Kung sa amin po ay maluwag na maluwag naming tinatanggap yan, pero dahil naiintindihan din po namin ang tunay na kalagayan ng drivers, ang inaasahan po namin din ay maging P12,” aniya.

“Dahil nga yung computation po niyan, lumalabas po na ang kanilang, ang idinagdag lang natin sa pang-araw-araw na kanilang kita ay 5 liters, equivalent po ng 5 liters yan. Pero ang takbo nila 4 km lang to a liter…kaya po ang ibig sabihin kulang pa rin yung idinagdag natin,” paliwanag niya.

“Pero ganoon pa man ay nagpapasalamat kami,” aniya.

Naghain ng petisyon para sa dagdag-pasahe ang mga tsuper ng jeep kasunod ng patuloy na pagsirit ng mga presyo ng produktong petrolyo.

– TeleRadyo, 30 June 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.