Operasyon ng bakunahan sa Taguig balik-normal na

ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2021 09:04 AM | Updated as of Jun 30 2021 09:06 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Kasunod ng dalawang araw na pagkaantala sa bakunahan, inanunsiyo na ng lokal na pamahalaan ng Taguig na tuloy na ang normal na operasyon ng vaccination hubs sa lungsod Miyerkoles.

Ayon sa LGU, pwede nang pumunta sa vaccination sites ang mga may online appointment o group booking ngayon araw. Pinababalik naman sa vaccination hub ang mga may schedule ng 2nd dose.

May ilang mga taong nakapila naman sa vaccination hub sa Western Bicutan National High School ang umuwi saglit dahil hindi nila alam kung tuloy ang pagbabakuna sa lugar.

Sabi naman ng isang nagbabantay sa paaralan na pinapapasok na nila ang mga may schedule ng 2nd dose ng Sinovac. Pero naghihintay pa sila ng abiso kung matutuloy ang bakunahan para sa first dose.

Samantala, inilipat naman sa Huwebes at Biyernes ang schedule ng mga taga-Taguig na hindi natuloy ang appointment noong Lunes at Martes. — TeleRadyo 30 Hunyo 2021