Home > News Bakunahan sa Taguig ipinagpaliban muna dahil kulang ang vaccine supply ABS-CBN News Posted at Jun 29 2021 09:31 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA—Sarado ang mga vaccination hubs sa Taguig maliban na lamang sa isang mall na magbibigay ngayong Martes ng pang-2nd dose ng AstraZeneca vaccine. Ito’y matapos ianunsiyo ng Taguig na kulang ang supply nito ng bakuna kaya ipagpapaliban muna ang pagbabakuna ng mga naka-schedule ngayong araw. Insidente ng 'naturukan pero di nabakunahan,' iniimbestigahan Lunes nang itigil ng lungsod ang pagbibigay ng Sinovac sa A1 hanggang A4 categories dahil hindi pa nakakarating sa Department of Health ang certificate of analysis na dokumento. Ayon naman sa DOH, ibinibigay ang naturang dokumento kasunod ng mga bakuna. Philippines eyes getting some of Canada's excess COVID-19 vaccines: envoy Humingi ng paumanhin si Taguig Mayor Lino Cayetano sa pagkaantala ng pagdating ng supply ng bakuna sa kanilang lungsod. Tiniyak din niyang uunahin ang mga nakatakda sanang mabigyan ng 2nd dose kapag nagpatuloy na ang vaccination pagdating ng mga dokumento galing sa DOH. Mahigit 238,000 na ang mga nabigyan ng first dose ng COVID-19 vaccine sa Taguig o 35 percent ng target population nilang mabakunahan. — TeleRadyo 29 Hunyo 2021 Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Sinovac, AstraZeneca, pagbabakuna, Taguig Vaccination Drive, COVID-19, Coronavirus, TeleRadyo Read More: Sinovac AstraZeneca pagbabakuna Taguig Vaccination Drive COVID-19 Coronavirus TeleRadyo