Mga nag-eehersisyo sa CCP, lilimitahan: pulisya

ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2020 11:44 AM

Watch more News on iWantTFC

Lilimitahan ng mga awtoridad ang bilang ng mga maaaring mag-ehersisyo sa paligid ng Cultural Center of the Philippines sa Pasay kasunod ng mga ulat na nalabag ang ilang coronavirus protocols doon, sinabi ng pulisya ngayong Lunes. 

Mga nag-eehersisyo sa CCP, lilimitahan: pulisya 1
Joggers are seen near the Manila Broadcasting Company (MBC) one of the structures gutted by fire at the nearby theme park at the Cultural Center of the Philippines (CCP) lawn in Manila on October 07 2019. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Nitong weekend, nagsisikan sa canopy ng CCP ang mga nag-eehersisyo roon matapos ang biglaang buhos ng ulan, sabi ni Pasay police chief Col. Ericson Dilag. 

Ito'y sa kabila ng patakaran na magkaroon ng 1-metrong distansya mula sa ibang tao para pigilan ang pagkalat ng novel coronavirus. 

Matapos makipag-usap sa mga awtoridad, pumayag ang pamunuan ng CCP na isara sa mga nag-eehersisyo ang oval nito at buksan na lang ang nasa 1-ektaryang lawn, sabi ni Dilag. 

"Dapat hindi lalagpas ito ng 100 para ma-control natin iyong mga tao," sabi niya sa panayam ng TeleRadyo sa ABS-CBN. 

Magkakaroon din aniya ng isang entry at exit point para makontrol ang mga tao. 

TeleRadyo, Hunyo 29, 2020