PatrolPH

Habagat, magpapaulan sa Metro Manila hanggang Lunes: Pagasa

ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2019 01:24 PM

Watch more on iWantTFC

Epekto ng habagat o Southwest Monsoon ang nararanasang mga pag-ulan sa kalakhang Maynila at ibang bahagi ng Luzon at buong Visayas, ayon sa weather bureau Pagasa.

"Magtutuloy-tuloy ang epekto ng habagat bukas hanggang Lunes," sabi ni Pagasa weather forecaster Aldczar Aurelio.

Sa ipinalabas ng advisory ng Pagasa alas-11 ng umaga ng Sabado, nakasaad doon na makakaranas ng kalat-kalat na mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan hanggang kung minsan ay malakas sa mga sumusunod na lugar:

- Ilocos Region 
- Cagayan 
- Batanes 
- Zambales
- Bataan
- Cavite
- Batangas
- MIMAROPA
- Antique 
- Aklan

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas.

Samantala, posibleng maging bagyo naman ang namataang low pressure area sa Catanduanes sa loob ng 48-oras.

Alas-10 ng umaga nang mamataan ang LPA sa layong 840 kilometers east ng Virac.

Wala umano itong epekto sa bansa dahil malayo ito sa kalupaan.

- DZMM 29 June 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.