Home > News 20 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Quiapo ABS-CBN News Posted at Jun 28 2022 07:24 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA—Walang naisalba ang nasa dalawampung pamilyang nakatira sa Brgy. 394 Zone 40 sa Quiapo, Maynila matapos matupok ng apoy ang kanilang bahay pasado alas siyete kagabi. Si Cristy Natividad, malaki ang panghihinayang nang masunog pati ang kaniyang inipong pera galing sa pagtitinda. Ang kapitbahay at kapatid niyang si George, hindi pa alam kung paano muli magsisimula. "Nanghihinayang po ako dahil bahay po namin pinaghirapan ko po ’yun. Pinaghirapan ko sa parking ’yun, parking lang po ang pinaghahanap-buhay ko ... Kaya humihingi ako ng tulong kahit panggawa lang ng bahay," aniya. Mag-live-in-partner muntik makuyog dahil sa sunog sa Mandaluyong Ayon kay barangay chairman Jennifer Camacho, nagpadala ng pagkain ang lungsod para sa mga nasunugan, at nagbigay din ng tents ang MDSWD. Hindi umano problema ang pagkain pati ang mga damit dahil kayang kayang ibigay ito ng barangay. Pero ang pinakakailangan ng mga biktima ay construction materials.—Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: Quiapo Maynila sunog