Halos P7 milyong halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Antipolo

ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2020 06:14 AM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Aabot sa P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Antipolo City, Rizal Huwebes ng gabi.

Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang ilegal na droga sa isang buy-bust operation sa Bagong Nayon II, Barangay San Isidro.

Batay sa paunang ulat mula sa PDEA-National Capital Region, arestado din sa operasyon ang isang lalaking suspek na si “Lin” 23, anyos, na nasa drugs watchlist ng ahensya.

Nasamsam sa suspek ang mga pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na isang kilo, at mga sachet na may laman ding hinihinalang marijuana.--Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.