Pintor patay sa pamamaril sa sariling bahay sa Quezon City

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2020 06:33 AM | Updated as of Jun 25 2020 07:51 AM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Patay ang isang 36-anyos na lalaki matapos siya pagbabarilin sa kaniyang bahay sa Barangay Old Balara sa Quezon City Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Rogelio Cruz, na isang pintor at construction worker.

Ayon sa kanyang pamangkin, 10 lalaking nakasakay sa 5 motorsiklo ang dumating sa bahay nila bandang 1:30 ng umaga. Nagbanta ang mga lalaki na huwag lalabas at sisilip ang mga kapitbahay.

Nagmakaawa pa umano ang biktima at humingi siya ng saklolo. Pero nakarinig na lang ang mga kapitbahay ng 5 putok, at dito na nakita ang duguang bangkay ng biktima.

Dati na umanong nakulong si Rogelio pero di pa naman umano napatunayan na gumagamit ng droga ang biktima.

Wala naman umanong alam ang nanay na kaalitan ng biktima.

Iniimbestigahan pa ang pamamaslang.--Ulat ni Jervis Manahan at Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.