PatrolPH

P720,000 halaga ng umano’y shabu nasabat sa Las Piñas

ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2022 06:54 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Dalawang itinuturing na high value individuals ang arestado sa isang buy-bust operation sa Las Piñas City.

Kumpiskado ng mga operatiba ang halos 106 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P720,000.

Ang mga ito ay nakapaloob sa mga patong-patong na plastic sachet upang sa unang tingin ay hindi halatang mga ilegal na droga ang laman.

Nasa kustodiya na ng Las Piñas City Police ang 2 suspect at nahaharap sa kasong pagbebenta at paggamit ng pinagbabawal na gamot.—Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.