PatrolPH

BIR pwedeng managot kung hindi makokoleta ang estate tax ng mga Marcos: Carpio

ABS-CBN News

Posted at Jun 23 2022 11:26 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Dapat makolekta na ang estate tax ng pamilyang Marcos, ayon kay dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.

Giit ni Carpio, final and executory na ang isyu ng estate tax ng mga Marcos. Dagdag niya, dapat na ma-implement na ng BIR ang order na kolektahin na ito.

Aniya, may kapangyarihan ang BIR na kumolekta at maaari rin itong sumulat ng writ of levy, at mag-assess ng mga property, kolektahin ang mga ito, at i-auction.

Ayon kay Carpio, magkakaroon ng pananagutan ang BIR kung sakaling hindi sila mag-comply sa koleksyon ng estate taxes.

Kamakailan lang, sinabi ng incoming BIR Commissioner Lilia Guillermo na dapat maging "role model" o huwarang taxpayer si President-elect Bongbong Marcos.

Kaugnay ito sa umano'y tax deficiency ng Marcos estate na nasa P23 billion. 

Ayon kay Guillermo, mandato ng BIR na kolektahin ang tamang buwis, pero hindi pa niya nakikita ang mga dokumento tungkol sa desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa Marcos estate.—SRO, TeleRadyo, Hunyo 23, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.