PatrolPH

2 dating bilanggo balik-selda dahil umano sa droga; 2 iba pa tiklo

ABS-CBN News

Posted at Jun 23 2022 06:32 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA — Apat na suspek – kabilang ang dalawang dating bilanggo – ang nahuli matapos mahulihan ng libo-libong halaga ng umano'y shabu sa Quezon City.

Isa sa apat na inaresto ay babaeng nakulong na rin kaugnay ng ilegal na droga noong Setyembre 2020.

Ang live-in partner niya na kasama rin sa inaresto ay balik-selda ulit matapos na makulong din noong Hunyo 2020.

Kakalabas lang ng kulungan ng dalawa noong nakaraang taon, ayon sa mga awtoridad.

Ang isang parokyano nila ay nahuli na rin noong 2019 sa isang buy-bust operation.

Ang apat na suspek ay ay mga residente ng Brgy. San Martin de Porres sa Cubao, Quezon City kung saan ikinasa ang buy-bust operation

Narekober sa mga suspek ang 5 sachet ng hinihinalang shabu. Aabot sa 12 gramo ng droga ang nakumpiska ng awtoridad na may higit P80,000 ang estimated street value.

Tumanggi nang magbigay ng pahayag ang mga suspek na sasampahan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.—Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.