Higit P272-K halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Jun 23 2020 06:20 AM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Nasabat ng pulisya ang higit P270,000 na halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Camarin, Caloocan nitong Martes.

Batay sa paunang ulat ng Caloocan City Police, isang mag-live-in partner na target ng operasyon ang inaresto. Online seller ang babaeng suspek habang tricycle driver naman ang kanyang kinakasama.

Nasamsam sa dalawang suspek ang 40 gramo ng kontrabando.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga naaresto.--Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.