PatrolPH

8 tiklo sa dynamite fishing sa Manila Bay

ABS-CBN News

Posted at Jun 23 2020 06:18 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Nahuli ng Philippine Coast Guard ang 8 mangingisda na gumagamit umano ng dynamite sa Manila Bay nitong Martes.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nagsagawa sila ng seaborne patrol sa Manila Bay nang makita ang isang motorbanca kung nasaan ang mga mangingisda.

Napansin nila na tila gumagamit ng ilegal na paraan ng pangingisda ang tao sa banca.

Narekober sa bangka ang dalawang gallon ng gasolina, dalawang galon ng tubig, 30-meter compressor hose, at isang compresssor engine with tank na karaniwang mga ginagamit sa dynamite fishing.

Arestado ang mga mangingisda at itinurnover sila sa isang Coast Guard substation para sa imbestigasyon.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Fisheries Code of the Philippines.--Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.