PatrolPH

U-turn slot binuksan para paluwagin ang trapiko patungong Balintawak

ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2021 08:45 AM

Watch more on iWantTFC

Binuksan na ang Dario Bridge u-turn slot nitong Martes upang mapaluwag ang daloy ng trapiko sa EDSA patungong Balintawak. 

Ang sanhi ng mabigat na daloy ng trapiko ay ang ginagawang MRT common station, ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos.

Paluluwagin ang kalsada sa Balintawak at gagawing 5 lane mula 3 lane, dagdag niya.

--Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.