PatrolPH

Pagbubukas ng LRT East extension project postponed na muna

ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2021 06:57 AM

Watch more on iWantTFC

Hindi na muna itutuloy ang pagpapasinaya at pagbubukas ng Marikina at Antipolo Stations ng LRT ngayong Linggo.

Postponed ito sa July 5 para bigyang oras pa ang contractor na tapusin ang signaling migration at integration works.

Ayon kay LRT administrator Reynaldo Berroya, mahalaga ang signaling sa railway operations para matiyak na maayos ang byahe at bilis ng mga tren.

Isasara rin ang buong LRT ng 2 magkasunod na weekend, June 26 hanggang 27 at July 3 hanggang 4 dahil dito. 

July 5 inaasahan ang inauguration at ang full operations naman ay nagsisimula sa July 6. — Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.