PatrolPH

Dalawang drug suspects timbog sa Marikina

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2021 06:36 AM

Watch more on iWantTFC

Kulong ang isang lalaki matapos kumagat sa buy-bust operation ng Marikina City Police sa Barangay Tumana.

Nagbenta si alyas Recy sa nagpanggap na buyer ng isang pakete ng hinihinalang shabu.

Ayon sa Marikina City Police, kasama si alyas Recy sa Top 10 priority list on illegal drugs ng NCRPO dahil sa umano'y aktibidad niya sa iligal na droga.

Posible umanong mga kabataan din ang mga parokyano ng 21 anyos na suspek.

Kasama niya ang isang 15-anyos na dalagita nang mangyari ang operasyon.

Pareho silang nakuhanan ng mga pakete ng hinihinalang shabu na abot sa P34,000 ang halaga.

Haharapin ni Recy ang kasong pagbebenta ng iligal na droga na walang piyansa habang ni-rescue naman ang menor de edad at itinurnover na sa CSWD ng Marikina.

ABS-CBN TeleRadyo, June 21, 2021

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.