Tinatayang P2-M halaga ng pekeng sigarilyo, nasabat

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2018 09:45 AM

Watch also in iWantTFC

Nasabat ng pulisya ang nasa P2-milyon halaga ng pekeng sigarilyo sa Roxas, Isabela.

Nasa 1,787 na kaha ang nakuha mula sa isang nirerentahang bahay ng suspek.

Sinuri ng mga kinatawan ng ilang mga cigarette company ang tax stamp, bar code, QR code at foil ng mga sigarilyo at doon nalamang peke ang mga ito.

Ayon sa pulisya, matagal na nilang pinagsabihan ang suspek pero hindi ito tumigil. Mahaharap siya sa reklamong paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines.

- Umagang kay Ganda, 21 June 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.