2 akyat-bahay, arestado sa Pasig

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2018 10:44 AM

Watch also in iWantTFC

Arestado ang dalawa umanong notorious na akyat-bahay na natiyempuhang niloloban ang isang condominium unit sa Pasig City.

Ayon sa may-ari ng unit na si Carl Obero, nagulat siya nang madatnan magulo ang kaniyang tirahan.

"Pag-akyat ko may narinig akong naghahalungkat ng gamit, yung kasama ko wala naman," sabi ni Obero.

Isa sa mga suspek ang pasimpleng lumabas mula sa katabing unit at mabilis na tumakbo nang sitahin ng mga pulis. Nahuli siya at ang kaniyang kasamahan.

Suot pa ng isang suspek ang damit ni Obero at maraming nakaw na gamit ang nakita sa loob ng kanilang dalang bag.

Napag-alaman na notorious na magnanakaw ang dalawang suspek at kalalaya lang sa kulungan.

- Umagang kay Ganda, 21 June 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.