Ilang nasawi sa Resorts World attack, nawalan umano ng gamit

ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2017 12:22 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nabunyag sa imbestigasyon ng Kamara na nawalan ng mga mahahalagang gamit ang ilang nasawi sa pag-atake sa Resorts World Manila. Ayon kay Surigao del Sur 2nd district Rep. Johnny Pimentel, nawalan ng alahas at pera ang asawa ni Pampanga Rep. Dong Gonzales matapos ang insidente. Nabawasan din ang laman ng bank account ng ginang. Nagpa-Patrol, RG Cruz. TV Patrol, Miyerkoles, 21 Hunyo 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.