Cellphone snatcher tiklo matapos manlaban ang biktima

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2017 11:54 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Arestado ang isang lalaki na nanghablot ng cellphone ng isang babaeng estudyante sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa kuha ng CCTV, kitang nagte-text habang naglalakad ang 18-anyos na biktima.

Maya-maya, hinablot ng nakasalubong na suspek na si Harriz Henson ang kanyang cellphone.

Nanlaban ang babae kaya hinampas siya sa mukha ng suspek.

Humingi naman ng tulong sa barangay ang ilang residente kaya nahuli ang suspek.

Narekober din sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu.

Ayon kay Senior Inspector Ana Lourence Simbajon ng Sta. Cruz, Manila Police, umamin ang suspek na 3 beses na siyang nakulong sa pagnanakaw ng cellphone.

Nahaharap ang suspek sa kasong robbery at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. – Umagang kay Ganda, 21 June 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.