Babae na nagpanggap na DPWH employee, naningil ng P200,000

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2017 12:11 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Arestado ang isang babaeng nagpapanggap na empleyado ng Department of Public Works and Highways at konektado umano kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ikinasa ang entrapment operation laban kay Malou Pacilan matapos ireklamo ng isang engineer at may-ari ng construction company sa Maynila.

Sa cellphone video, sinasabing ipinagmamalaki ng suspek na sila ang mapipiling sub-contractor sa expressway project kaya humingi ng halos P200,000 para sa lisensya mula sa Philippine Contractors Accreditation Board.

Unang itinanggi ni Pacilan ang bintang pero pagdating sa police station, humingi na siya ng tawad sa mga nabiktima.

Ayon kay Chief Inspector Alexander Rodrigo, hepe ng Manila Police District General Assignment Investigation Division, nahaharap sa mga kasong usurpation of authority, robbery-extortion, at estafa ang suspek. – Umagang kay Ganda, 21 June 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.