Pamasahe sa PNR, tataas ng P5

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2017 04:08 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Tataas ng P5 ang pamasahe sa Philippine National Railways simula sa Hulyo. Ang dating P10 minimum fare, magiging P15 na. Magiging P60 naman ang pinakamataas na pasahe ng tren para sa biyaheng mula sa Tutuban hanggang sa Laguna. Ayon sa PNR, napapanahon na rin ang taas-presyo para matustusan ang gastos sa pagpapatakbo ng mga tren nito. I-Bandila mo, Jacque Manabat. - Bandila sa DZMM, Martes, 20 Hunyo, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.